Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
₱400.00
Banaag at Sikat
Lope K. Santos
Si LOPE K, SANTOS ay isinilang noong Setyembre
25, 1879 sa Barrio Pineda Buwayang Bato, Pasig,
Rizal. Anak siya ng mag-asawang Ladislao Santos
at Victoria Kanesco, Bagamat anak-mahirap ay
nagsumikap siyang makatapos ng kurso sa pagiging maestro sa Escuela Normal sa gulang a labing-anim na taon, Dahilan sa angking katalinahan ay natamo niya ang pinakamataas na karangalan. Natapos din siya sa pagkamanananggol sa Escuela Derecho. Si
Lope K. Santos ang kinilalang pinakatanyag na
nobelista at makata sa kaniyang panahon. Dahilan sa kaniyang katanyagan ay naatasan siyang magsalin ng Saligang Batas ng Pilipinas para sa UNESCO: Siya rin ang habigyan mg pagkakataong magsalin sa wikang Tagalog g mga talumpating pampasinaya nina dating pangulong Jose P. Laurel at Manuel Roxas. Lahat ng mga nobela at tula na naisulat niya ay naging bahagi ng kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Sa lahat ng nobelang naisulat niya ay maituturing na
“Obra Maestra” ang Banang at Sikat (I906) na itinuring na Biblia ng manggagawang Pilipino. Sa kasaysayan ng Panitikan, ng Wikang Tagalog ay si Lope K. Santos ang kauna-unahang ginantimpalaan at pinagkalooban ng karangalang ‘”Paham ng Wika, Sa karangalang ito ay koronang ginto ang ipinatong sa kaniyang ulo.
Kinilala rin si Lope K. Santos sa larangan ng politika: Naging gobernador siya sa lalawigan ng Rizal (19I0-1913), at noong I918-1920 ay aging gobernador ng Nueva Viscaya, Siya ay naging senador din sa ika-labindalawang distrito ng mga Tribung Hindi Kristiyano. Siya ang may-akda ny batas na nagtatakda sa pagdiriwang ng raw ni Andres Bonifacio tuwing
ika-30 ng Nobyembre;
Pinatunayan ni Lope K. Santos ang kaniyang pagiging makabayan nang ipagkaloob niya sa Philippine National Library ang lahat ny kaniyang mga aklat, medalya, plaka, katibayan ng karangalan, at mga mahahalagang kasulatan bago siya namatay.
Si Lope K. Santos ay binawian ng buhay noong Mayo I, 1963, Araw ng mga Manggagawa.
-preloved
-plastic covered
-in very good condition
issue: yellow stains only